Ang masayang bonding moments ng family ni Baeby Baste


Hindi madali na mapanatiling maayos at malapit ang relasyon ng isang pamilya. Importante ang quality time para maging matatag ang samahan ng mga magulang at mga anak. May mga pagkakataon na dapat talagang gumawa ng paraan o gimik ang mga magulang para maging masaya ang samahan

Tulad  ni Mommy Sheila Granfon, ina ng child star na si Baeby Baste na napapanood sa “Eat Bulaga” sa GMA 7. Ayon sa kanya, hindi niya kinu-kompromiso ang oras sa pamilya para sa ibang bagay

“Bilang mommy, lagi akong hands-on pagdating sa pag-aalaga ng mga bata at sa asawa ko. Sinisigurado ko palagi na meron kaming  quality time,” ayon kay Mommy Sheila.

Simple lang ang mga Granfons sa kanilang bonding moments dahil madalas ay nasa bahay lamang sila.

“Nagluluto kami o nanunood ng movies sa TV. Bahay-bahayan kami. Hindi nawawala yun,” sabi ni Mommy Sheila.

Perowala na sigurong hihigit pa sa bonding moments nila kung saan sabay-sabay silang kumakain ng paborito nilang snack.

“Gustong-gusto ng mga anak ko ang spaghetti na may ka-partner na toasted bread. Ang spaghetti at NeuBake Super Slice ay  bagay na bagay.Minsan, nilalagyan ko ng butter yung bread,” ayun kay Mommy Sheila.

Pagdating naman sa pag-aaral, sinisigurado ni Mommy Sheila na nakatutok siya sa kanyang mga anak. Kahit  nasa showbiz na si Baste, sinisigurado niya na nakakapag-aral ito nang mabuti at pumapasok sa eskwela tulad ng ibang bata.

Ngayon ay uma-attend na si Baste ng one-on-one sessions sa isang school sa Quezon City. “Pumapasok siya sa eskuwelahan pagkatapos ng ‘Eat Bulaga’ at isang oras at kalahati siyadoon. Isang beses sa isang buwan, may recognition day sila at nakakasama ni Baste ang ibang bata sa school.

Ikinuwento ni Mommy Sheila ang mga unang araw ni Baste sa school. “Umiyak si Baste. Hindi pa siya sanay na mahiwalay sa amin. ˜Yung kuya niya si Sam, medyo independent. Sabi nga nung iba mag-home study na lang daw si Baste pero gusto kong maranasan niya ang tunay na school.”

Sa baon ni Baste, gustong-gusto niya ang egg sandwich. “Enjoy na enjoy siya sa tinapay ng NeuBake Super Slice na may kasamang egg at cheese. Minsan, gusto niya yung bread, medyo toasted o malutong.”

Ayon kay Mommy Sheila, ang NeuBake Super Slice ay mura at magaan sa budget. Sa umaga, kape at Neubake Super Slice lang ang simpleng almusal nilang mag-asawa.

“Minsan, kapag nagmamadali kami, nagdadala na lang ako sa sasakyan ng Neubake Super Slice at mga palaman,” ayon kay Mommy Sheila

Pagdating naman sa gadget, natutunan na rin ni Baste ang mag-control sa pag-gamit nito, ayon kay Mommy Sheila. “May gadget si Baste pero responsible user siya. Pag sinabi kong oras na para matulog o magpahinga na siya, binibigay niya sa akin yung gadget.”

Pero may ibang pananaw si Mommy Sheila para sa mga magulang tungkol sa pag gamit ng gadgets.

“Kung sa palagay nyo ay mas marami kayong oras para sa gadget tulad ng cellphones or tablets kesa sa pamilya nyo, siguro stop muna. Nawawala na yung quality time nyo sa isa’t isa pag ganun. Dapat ang mga magulang ay maglaan lang ng konting oras sa paggamit ng gadget at mas maraming panahon para sa pamilya,” dagdag pa ni Mommy Sheila.

 

Exit mobile version