Malinaw ba? Malabo? Malapit…o malayo? Nakataas, nakakababa o nakatagilid? Ano bang nakikita mo?
Sa gitna ng pagtutuos, ligalig, kaba at kababalaghan, kaninong boses ka makikinig? Kaninong storya ka maniniwala? Kaninong panig ka kakampi?
Malugod na inihahandog ng UP Manila Dramatista ang kauna-unahang
DRAMARATHONLINE 2020: ANGGULO
Isang spin-off ng taunang Dramarathon na naglalayong mailipat ang tatlong napapanahong dula mula sa entablado patungo sa inyong mga iskrin.
PETSA AT ORAS: Nobyembre 13-15, 2020, 6PM
SAAN: Live on closed groups via Facebook
MGA TAMPOK NA DULA:
ON THE 30TH
Sa panulat nina Gianne Romero, Selena Dela Cruz, at Pearl Areno
Sa direksyon ni Beatriz Aquino
Apat na biktima ng OD30 virus, isang matinding sakit na walang lunas, ang magbabangga-bangga upang malaman kung sino ang mas karapat-dapat pang mabuhay. Ngunit hindi lang pala sila biktima ng sakit, kung hindi ng isa pang mas malaking nilalang na hindi nila inaasahan.
AMONG US
Sa panulat at direksyon nina Rennie Teodoro at Llana Cabajar
Limang magkakaibigan ang muling magtitipon-tipon at ang bawat isa sa kanila ay mayroong mga sikretong mabubunyag na tiyak na makapagpapabago ng kanilang buhay. Ito ay isang kwentong tungkol sa pagkakaibigan, pagbabago, at pagtataksil.
KIOKO
Sa panulat nina Erika Diaz, Erica Miranda, Rhia Garcia, at Czareen Dioquino
Sa direksyon nina Erika Diaz at Erica Miranda
Paano kung sabihin ko sayong nandito pa rin siya? Palalampasin mo ba ang pagkakataong ito? Hatid ng KIOKO ang isang di malilimutang pagtatagpo ng mag-inang sinubok ng tadhana. Sapat na nga ba ang oras na ito para sa kanilang dalawa?