Father begs bus passengers to buy ballpen for daughters studying in college


For those students who are taking for granted their parent’s sacrifices and hardwork, you might want to sit down and reflect after reading this.

A Facebook post of Arbegail Lapid has been gone in social media to date as many netizens were touched by the vendor’s humility and persistence for her two daughters studying in college.

12745907_1167821633228019_4740789098530118249_n

Here’s the full post:

Mahaba po to at nakakaiyak. Minsan sa kalsada mo talaga matututunan ang mga mahahalagang bagay sa buhay.

Sa dami na ng modus ngayon, hindi mo na alam kung ano ang totoo sa hindi. But last Feb. 14, may isang tao kaming pinakinggan habang nabyahe sakay ng bus palabas ng Cavite.

Hindi ko ugali makinig sa mga nagsasalita sa harapan ng bus na humihingi ng tulong. Nadala na kasi ako sa mga kesyo namatayan at walang panlibing, pero iba si kuya na nasa picture. Ito yung sabi niya.

“Nagbawas po ng tao ang aming kompanya, sa kasamaang palad, kasama po ako sa natanggal. Sumubok na po ako mag-apply muli ng trabaho, pero hindi ako pinapalad. Kaya ngayon, nagtitinda po ako ng BALLPEN para sa dalawang anak ko na nag-aaral sa kolehiyo. Ayoko naman pong tumigil sila sa pag-aaral dahil lang sa nawalan ako ng trabaho. Kaya po nandito po ako sa inyong harapan para alukin kayong bumili ng ballpen. Sampung piso lang naman po ang isa. Nagmamakaawa po ako sa inyo. Lahat po gagawin ko bilang isang AMA, makatapos lang sa kolehiyo ang dalawa kong anak”

Ang sakit nung narinig namin yun. Nakakadurog ng puso, nakakahabag, nakakahanga.

Swerte ng mga anak niya dahil may ama siyang gaya ni kuya. Kayang ibaba ang sarili para sa pagmamahal sa anak.

Pagtapos niya magsalita, lahat ng tao, bumili sa kaniya ng ballpen. Yung dalawang foreigner, inalukan niya rin at bumili sa kaniya. Halatang may pinag-aralan siya, dahil marunong siyang mag-english.

At ang nakakahanga pa, nung inabot namin yung 30 pesos. Sabi ng boyfriend ko dalawang ballpen lang. Pero ang sabi niya…

“Sir, sampu lang po isa” at binigyan niya kami ng tatlo katumbas ng 30 pesos na inabot namin.

Hindi siya nanlamang.

Hindi siya nagsamantala.

Kahit pa sabihing, kailangan niya ng pera.

Kung sino man po si kuya, sana makahanap kayo ng magandang trabaho. Hindi malabo, dahil mabuti kayong tao at higit sa lahat, mabuti kayong Ama.

Sa mga kabataan diyan, sana marealize niyo kung gano kahalaga ang pag-aaral. Kung gaano kahirap kumita ng pera para lang makapasok kayo sa eskwela.

This is truly an inspiring one. Makes me realize how blessed I am to have a job.

Focus on your blessings, not on what is missing.

Nakakaiyak talaga.

Mabuhay ka Sir!

Your thoughts?

Exit mobile version