Jonalyn Viray na Jona na ngayon, dedma sa haters


“May mga iba kasi na fans na below the belt po tumira sa other artists…yung hindi nila masyadong paborito. Pero, ano naman po, habang tumatagal mas nahahandle ko nap o siya. Ang ginagawa ko na lang po, Hindi na ‘ko masyado nagbabasa ng comments…o yung mga harsh comments,” walang pag-aatubilng paglalahad ng isa sa Birit Queens ng ASAP.

Maituturing ngang “blessed” si Jona dahil kamakailan ay pumirma na siya ng kontrata sa recording arm ng ABS-CBN na Star Music bilang pormal na pagpapakilala sa kanya bilang isang talent.

_DSC3803

Bilang isang Kapamilya, matutunghayan na rin si Jona sa kanyang unang solo concert na tinaguriang “Queen of the Night: Jona” na gaganapin ngayong Nobyembre 25 sa Kia Theater. Hindi lang talent niya sa pag-awit ang kanyang pinahandaan kundi ang kanyang showmanship as a performer, na importanteng sangkap ang pagiging mahusay na mananayaw. “Before naman po, medyo sumasayaw-sayaw na po ako sa  mga concerts, but siguro po ngayon, gusto ko pong magkaroon ako ng proper and formal dance training para mas gumanda pa po yung moves ko.”

_DSC3811

Ang Queen of the Night: Jona ay prinodyus ng Star Events, Big Eyes Events & Productions, at Creative Media Entertainment. Ito ay sa ilalim ng musical direction ni Soc Mina at stage direction ni Marvin Caldito. Ang choreography naman nito ay sa pangunguna ni Joe Abuda ng dance crew na The Addlib. Special guests sina Jed Madela, Daryl Ong, at Ms. Regine Velasquez-Alcasid.

Maaring tumawag sa 911-5555 o bumisita sa ticketnet.com.ph para sa tickets.

Exit mobile version