LAGIM by Praxis Literary Collective poster
LAGIM by Praxis Literary Collective poster

LAGIM: mga kwentong horror mula sa panahon ng pamahalaang taksil at huwad [event]


Sa panahong binabalot ng kadiliman ang lipunang ating ginagalawan, kanino nga ba tayo dapat matakot; sa mga kaluluwang hindi matahimk o sa mga taong may kakayahang magpalaganap ng karahasan?

Sino nga ba ang tunay na multo? Ano ang pinagmumulan ng takot at pangamba? Hindi kathang-isip ang dapat katakutan; bagkus, ang mga tunay na kaganapan ang pinagmumulan ng pangamba.

Lahat tayo maaaring maging biktima. Maghanda. Makialam.

Samahan ang mga manunulat ng Praxis Literary Collective sa kanilang paggalugad sa mga kaganapan sa Republika Ng Patayan at ang hatid nitong katatakutan.

Tunghayan ang LAGIM – isang dulang may isang yugto hango sa mga tula ng Praxis Literary Collective. Sa Direksiyon at Punong Panulat ni Jay Crisostomo IV at panulat nina Justin Ayran, Ian Sudiacal, at Chubibo Mondejar, na may karagdagang panulat nina Jerome Almanza, Mitch Anadia, CJ Maramara, Mattheus Mopera at Sergio Arguilla.

Ano: LAGIM: mga kwentong horror mula sa panahon ng pamahalaang taksil at huwad
Kailan: 7PM 27-Okt-17, 5PM 28-Okt-17
Saan: DITO: Bahay Ng Sining, J. Molina St. Concepcion Uno, Marikina

Mabibili ang ticket sa halagang PHP250.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa ticket, magpadala lamang ng mensahe sa +63.926 260.3969 / +63.915 473.8536. Maari ring bumisita sa pahina ng Praxis Literary Collective.


What's Your Reaction?

Wakeke Wakeke
1
Wakeke
BULOK! BULOK!
0
BULOK!
Aww :( Aww :(
0
Aww :(
ASTIG! ASTIG!
2
ASTIG!
AMP#*@! AMP#*@!
0
AMP#*@!
Nyeam! Nyeam!
0
Nyeam!
ASTIG PH Team

Pinoy experiences online. A community dedicated to serving the best stories from the Philippines to the rest of the world. Want to work with us?