Sinalubong ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 400,000 na dosis ng Coronovac nitong nakaraang Araw ng Maynila. Kasama ni Moreno ang ilang mga opisyales ng lungsod ang mga manufacturer ng bakuna na Sinovac Life Sciences Ltd, na pinangatawanan ng Philippine distributor nito na IP-Biotech, Inc. (IPB).
Nagsimula ang selebrasyon ng Ika-450 na taon ng Araw ng Maynila sa isang pribadong pagtitipon sa Manila Metropolitan Theater kung saan pinasalamatan at binigyang pugay ng lokal na pamahalaan ang ilan sa mga bukod-tanging mamamayan at negosyo ng lungsod Maynila. Nagbigay pugay din ang lungsod sa mga medical frontliner na inialay ang kanilang mga buhay sa pakikipaglaban kontra COVID-19. Natapos ang kaganapan noong tanggapin ni Moreno ang mga dosis ng bakuna sa NAIA, na sinabi niyang isa pang hudyat ng pag-asa para sa mga Manilenyo.
Noong nakaraang buwan, matatandaang hikahos sa supply ng bakuna ang lungsod, kaya naman pansamantalang itinigil muna ang pagtanggap sa mga walk-in vaccination. Ngunit, dahil sa pagpa-plano at sa matatag na relasyong naitatag ng lungsod at ng IPB, napagpatuloy muli ang “Vaccine Nation” campaign ng Maynila.
Sa ngayun, nakamit na ng Maynila ang 41% ng kanilang direktibang magbakunahaan ang 800,000 na mamamayan. Nakikitapagtulungan din sila sa Office of the Vice President sa kanilang proyektong Vaccine Express, isang drive-through na bakunahan para sa mga miyembro ng transport sector na kailangan talagang mabakunuhan upang maipagpatuloy nila ang serbisyo nila sa pagpapasada. Bingyan din ang mga tsuper ng libreng gas card bilang pang-engganyo sa kanila na magpabakuna.
“Kaiba sa ating selebrasyon noong 2020, ipinagdiriwang natin ngayong taon ang Araw ng Maynila nang pisikal tayong magkakasama habang istriktong sumusunod sa minimum health protocols,” sabi ni Moreno.
“Ipagpapatuloy ng lungsod ang pagpapabakuna sa ating mga mamamayan as many as possible, as soon as possible. Ang ating pakikipagtulungan sa IP-Biotech at iba pang mga negosyante ang magpapabilis sa ating mithiing makamit ang herd immunity. Mas madaming mababakuhanan, mas maraming makakabalik sa trabaho upang mai-ahon muli ang ekonomiya,” dagdag ni Moreno.
“Kami ay lubos na nagagalak at nagpapasalamat na kami ay naging parte ng misyon ng Lungsod ng Maynila upang makamit ang herd immunity. Maligayang bati sa ika-450 na anibersaryo ng Maynila. Sana ay lagi silang maging maunlad.,” sabi ni IPB Chairman Enrique Gonzalez. Maliban sa pagdating ng mga bakuna, binuksan din ng lungsod ang kanilang bagong COVID-19 Field Hospital sa Araw ng Maynila. Nagtalaga rin ng panibagong arsobispo sa Manila Cathedral na si Archbishop Jose Cardinal Advincula, at sinumulan din ang Araw ng Maynila Racing Festival sa Carmona, Cavite.