Si Maria Isabella at ang Guryon ng mga Tala by UST Artistang Artlets


Si Maria Isabella at ang Guryon ng mga Tala

Inihahandog ng Artistang Artlets, ang Opisyal na Samahang Pang-teatro ng Pakultad ng Sining at Panitik ng Unibersidad ng Santo Tomas, sa pakikipagtulungan sa Cecilo Apostol Elementary School, ang isa na namang natatanging pagtatanghal para sa kanilang ika-36 na taon.

Si Maria Isabella at ang Guryon ng mga Tala ay hango mula sa maikling kwentong The Kite of Stars ni Dean Francis Alfar. Sa panulat ni Eljay Castro Deldoc, isa ito sa mga natatanging dula na naipalabas sa Virgin Labfest 2015 at 2016 sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Ang pagtatanghal ng Artistang Artlets ay sa ilalim ng direksyon ni John Michael Peña at sa pamamahala ni Mary Claire Aquino.

Ito ang mga sumusunod na araw at oras ng pagtatanghal:

  • November 15- 11 AM | 1 PM | 4 PM | 6 PM
  • November 16- 10 AM | 1 PM | 3 PM | 5 PM
  • November 17- 2PM | 4PM

Lugar ng pagtatanghal:

  • Tan Yan Kee Audio Visual Room, UST
  • Tan Yan Kee Student Center, UST

Ang dula na ito ay LIBRE para sa lahat.

Para sa mga katanungan, tawagan o i-text si Mary Claire Aquino sa 0915-117-3255.

Exit mobile version