This proud ‘Teen Mom’ proves that having a baby is not a hindrance to finish college


It’s the time of the year again when we get to see a lot of college graduates posting a message of gratitude to their parents and all the people who helped and inspired them to get that sought-after degree.

The post of Emjhei Guerrero, a graduate of Sienna College of Taytay, went viral in social media after she posted a heartwarming story of her struggle as teen mom who did not give up her dreams to finish college.

Here’s the full post:

Akala ko hindi na ko makakapag aral o makakapagtapos nung araw na binigay ka sakin ni Lord. 3rd year college ako nun, isang taon na lang gragraduate na pero bigla kang binigay sakin ni Lord, hindi ko alam gagawin ko ng mga panahong yun, ang nasa isip ko lang paano na, paano ko mag aaral, pano ko magagawa yung gusto ng parents ko para sakin.
Pero hindi, sinabi ko sa sarili ko na di pwede yun, 3rd year 2nd sem na nagenroll pa din ako kahit may anghel na ko, di ko alam kung anong mangyayari samin magina nun, na baka pag pumasok ako e matagtag ako pero go pa din pray lang.

Umabot na sa part na may morning sickness na ko, na masama pakiramdam ko pero pasok pa din, lumalaki na tiyan ko nun 7 months na, nanjan na yung mga studyante na ponagtitinginan na ko, pinagchichismisan, pero di ko sila pinansin, wala naman silang alam sa mga pinagdaanan ko hanggang sa May 24 nanganak ako, syempre
June pasukan nanaman 4thyr na, kahit kakapanganak ko lang kahit na may chance na pwede akong mabinat di ko pinansin go pa din para matupad ko yung pangarap ng parents ko.

At eto na yun, yung araw na pinalahihintay ko. Hindi totoo na magiging hadlang o di ka na makakapag aral kung maaga ka man nagkaanak. Para sakin, lalo ko kailangan makapagtapos dahil may anak na ko. Dagdag inspirasyon kumbaga. umabot na sa point na gusto ko na maggive up sa hirap ng mga gawain sa school pero lagi kong sinasabi at tinatatak sa isip ko na PARA SA ANAK KO, at eto nakuha ko na nga.

Teen moms, wag isipin na hadlang si baby para makuha niyo yung dream niyo instead gawin niyo silang inspirasyon. Patunayan natin sa mga tao o sa mga parents natin na kaya pa din natin makapagtapos kahit na may na may baby na.

Ngayon, may trophy na ko may diploma pa ko.
Di ko sinabi na okay lang maganak ng maaga basta magtapos. Mas maganda pa din na magtapos muna bago magbaby pero kung nauna man si baby e wag bibitaw sa dream At hindi pa katapusan ng lahat pag nagkaanak.

This one’s for you my baby girl! I love you so much.
Thank you Lord!

#Teenmom
#degreeholder #BSTM

She also posted a series of messages inspiring her fellow teen moms to follow their dreams.

Teen moms na nakapagtapos din saludo din po ako sa inyo at dun sa iba na naiinggit at gusto mag aral pero may mga prob financial man o walang magbabantay kay baby, SALUDO pa din dahil hindi niyo pinalaglag si baby, yes nagkamali tayo pero di ibig sabihin nun e di na tayo babangon. Makakapag aral din kayo at makakapagtapos in GOD’S TIME! go lang ng go. TRUST IN LORD and BELIEVE IN YOURSELF.

For teen moms po ang post ko na yon, Hindi ko sinabi na tularan ako na magbuntis muna. much better syempre na magtapos muna pero if nandyan na imbis na ipalaglag or whatsoever e gawin silang inspiration. and yes, i have a very supportive family and I am thankful. at dun sa term ko na biglang binigay ni Lord, common sense po. haha, God bless us all!

Her proud parents who did not give up on her. Super Salute!
Her life’s trophy

Congratulations Emjhei!

 

Exit mobile version