Baby dies after UST hospital allegedly refused to accept pregnant mother


A viral post of Andrew Pelayo has been circulating in social media where he accused University of Santo Tomas (UST) hospital of not accepting her wife who supposed to be getting birth to a baby last February 19 due to hospital bills that has to be paid first.

Here’s the full post:

Noong Biyernes mga 3am ng madaling araw, February 19, 2016, pumunta kami kaagad sa UST Hospital para sa panganganak ng asawa ko dahil dun siya ngpapacheck up since November 2015. Bago pa kami dumating sa UST ay dinidugo na ang asawa ko sa bahay palang kaya pagkarating namin sa ospital, agad ko sinabi kay Dr. Sahagun ung lagay niya kaya agad siyang pinahiga sa OB/GNY room pero naiwan ako sa labas. Habang nasa labas ako, kinakausap siya ng mga kapwa doctor ni Sahagun sa kalagayan niya. Nung nalaman nila na buhay pa ang bata base sa heartbeat at movement count ng baby, tinanong ni Sahagun si misis ko kung may ipon na kami at sabi niya na kausap nlng ung asawa ko kasi siya yung may trabaho sa aming dalawa habang humihilab ung tiyan ng asawa ko habang dinudugo. Pagkalipas ng 45 minuto, lumabas si Sahagun at kinausap ako at sinabi niya na sarado pa yung labasan ng bata at kaya pang ilipat ng ibang ospital pero sa tingin ko ay hindi na kakayanin ng asawa ko at sinabi niya rin ako kung magkano ang magagastos pati sa kung magkanu ang dala kong pera at sinabi ko na ang dala ko lang sa ngayon ay P6,000 at dugtong pa niya, sa mga gagawing test sa kanya ay aabot na ng P5000. Pagkatapos nun sinabihan pa niya ako na “Sir, dapat may dala kayong P20,000 para ma-admit yung asawa niyo dito sa UST dahil Cash basis po tayo dito”. “Hindi niyo talaga kakayanin dito sa UST”. Nagbigay din siya ng option na pwede kong lumipat na lang kayo sa Government Hospital gaya ng Jose Reyes o East Avenue na malalaking hospital na pwede maghandle ng sitwasyon niyo habang hirap na hirap at hindi na kaya ng asawa ko ang sunod sunod na pananakit ng kanyang tiyan. Kinalaunan, sapilitan niya akong pinapirma ng waiver pero hindi ko alam kung anong nakalagay dun kasi ang nasa isip ko ay yung kalagayan ng mag-ina ko kaya napilitan akong pumirma dahil wala na akong magawa at kailangan kaagad ng agarang lunas ung sitwasyon ng asawa at anak ko. Agad kaming sumakay ng taxi at pumunta sa Jose Reyes Hospital para ipa-admit yung asawa ko dahil hindi na mapigilan yung pananakit ng tiyan niya at para mailigtas pa ang anak ko. Nung nalaman ko na walang incubator sa Jose Reyes, agad kong naisipang bumalik sa UST Hospital kasi sobrang hirap na hirap na ang asawa ko. Pagkarating namin ulit sa UST agad kaming sinalubong ni Dr. Sahagun at agad pa rin sinabi na “Sir, bakit pa kayo bumalik dito? Di ba sinabi ko naman sa inyo hindi niyo kakayanin dito. Dahil mo na yan sa East Avenue aabot pa kayo”. Labis akong nagmakaawa sa kanya at sinabi ko na “Doc parang awa gagawan ko na lang ng paraan bukas pakiasikaso na kaagad yung asawa ko dahil hindi na niya talaga kaya”. Pati asawa ko nagmakaawa na “Doc parang awa muna, hindi ko na talaga kaya. Biyakin mu na yung tiyan ko.” habang hirap na hirap sa kanyang kalagayan at halos hindi na makalagaw. Agad na sinabi ni Dr. Sahagun, “Sir hindi niyo tlaga kakayanin dito. Dalhin niyo na yan sa East Avenue”. Dahil sa nakikita kong kalagayan ng asawa ko at hirap na hirap na siya, nagdesisyon ako kaagad na dalhin na siya sa East Avenue Hospital. Sa kalagitnaan ng biyahe namin, bandang Quezon Avenue, sinabi ng asawa ko na hindi na gumalaw yung bata sa sinapupunan niya at agad na akong kinabahan kaya magagawa ko na lang sa mga oras na yun ay magdasal. Habang nasa biyahe kami, sinabi ko sa taxi driver na pakibilisan po yung pagmamaneho. Sinabi ng taxi driver na wala talaga silang awa hindi nila inisip yung buhay ng mag-ina bagkus mas inintindi nila yung pera na dapat idown para ma-admit yung asawa mo. Pagkarating namin sa East Ave Hospital, agad kaming inasakaso ng mga doctor at nung malaman nila na history ang asawa ko sa kanyang matres, ay agad kaming inakyat sa Operating Room kasama ako. Doon nakita ko na cheneck nila kaagad yung heartbeat ng bata at wala na silang marinig at agad akong kinabahan at nag dasal na “Lord, iligtas nyo po ang mag-ina ko”. 5:45 ng umaga, inoperahan na ang asawako at mga 6:19am, lumabas na yung bata at wala ng buhay dahil sa hindi siya kaagad nailabas sa UST palang at hindi na niya kinaya ang hirap. Pagkatapos nun, sabi ng doktor “Buti umabot pa kayo dahil ilang minuto nalang, pati sana asawa mu wala na rin. Buti nalang nagawa pa ng anak mu sa huling hininga niya na iharang ang katawan niya sa matres para hindi malason ang asawa mu kaya nabuhay pa siya”.
Labis akong nagpapasalamat sa unang una sa Diyos dahil iniligtas niya ang asawa ko. Pangalawa, sa mga doktor na agad na umasikaso sa amin ng walang binabanggit o hinihinging pera kaya nasalba ang buhay ng asawa ko. Panghuli, sa taxi driver na nagmadaling ihatid kami sa East Avenue hospital para maagapan ang sitwasyon ng mag-ina ko.
Para kay Dr. Ana Liezel Sahagun at sa dalawang kasama niyang doktor, kung inuna niyo sana na iligtas ang buhay ng mag-ina ko hindi sana nawala ang anak ko. Wala kayong awa mas inuna niyo pa ung PERA kaysa sa buhay na maiiligtas niyo. Ang pera pwedeng mahanap at pwedeng diskatehan pero ang BUHAY hindi niyo na maibabalik yan. Kaya ba ng konsensya nio ang nangyari sa asawako lalo na sa anak kong lumaban hanggang sa huling hiningi niya? Ang laki pa naman ng tiwala ko sa inyo at pati sa UST Hospital pero nang dahil sa ginawa niyo, ipinagkait niyo ang karapatan ng anak na mabuhay at makapiling ko siya.

Credit to Andrew Pelayo

According to the Republic act 8344, hospitals and medical clinics will be penalized upon refusal to administer appropriate initial medical treatment and support in emergency or serious cases.

Is UST accountable to the death of the baby? Your thoughts?

Exit mobile version