VIRAL: This working student took college in six years but graduates Magna Cum Laude


It’s the time of the year again when we get to see a lot of college graduates posting a message of gratitude to their parents and all the people who helped and inspired them to get that sought-after degree.

The post of Kebyn Villarino, a graduate of Far Eastern University went viral in social media after he narrated the inspiring story of his struggles to finish college after six years of balancing work and studies.

Here’s the full post:

Screen Shot 2016-04-13 at 10.10.48 PM

6 years in the making for finishing a 4-year course

2010 noong pumasok ako sa college. Since high school, ng dahil sa accounting subject, gusto ko talaga maging CPA. First and last exam ko is sa FEU, at first hindi ko siya talaga choice pero nagbago to noong nagaral na ko dito.

Sa 1st sem ko ng 1st year, may kaya pa kami. Kaya medyo happy-go-lucky pa, kaya gala dito, sali ng events doon ganyan, kaya hindi ko namaintain ang scholarship ko. Sa 2nd sem, dito na nagsimula ang pagbabago sa buhay ko. Nagkaron kami ng family at financial problems. Naging NPA ako, No Permanent Address, na halos every month inaampon ako ng mga kaibigan ko sa bahay at dorm nila. Pumasok ako sa theater and tv acting, nag business ng tshirt printing para may pang allowance. Nakapasok naman ako for academic scholarship.

Sa 1st sem ko ng 2nd year, dito na ko sinampal ng realidad. Dumating sa point na sa isang buong araw, 30 pesos lang ang budget ko. Alam ko na sa una palang, hindi ko na maitutuloy ang pagaaral ko sa susunod na sem, unless makakuha ako ng full academic scholarship which is 1.25 ang maintaining GWA. Natapos ang sem, at ang nakuha kong GWA is 1.26. Oo, .01 nalang, makakapag aral pa sana ako. Noong oras na yon, para bang tumigil ang mundo ko na hindi ko na alam kung ano ang susunod. Napaka sakit sa pakiramdam yung magstop ka, habang ang kabatch mo ay nakakapagaral pa.

Sa loob ng isang taon, pumasok ako as fast food crew, typing jobs, call center agent at pageants para makaipon at makabalik sa pagaaral. Nakaipon naman at nakabalik ako.

Sa 2nd sem ko ng 2nd year, unang araw palang lutang na. Ora mismong pagsulat ng pangalan sa papel, nakalimutan ko na. Ang hirap mag adjust uli, ngunit kinaya naman. Nagtuloy ako sa tshirt printing business para sa pang allowance. Natapos ang sem, academic scholar parin ako at nag Top 8 pa ko sa buong batch ng final exams ng Financial Accounting 1. Pero akala ko, tuloy tuloy na ang lahat.

May qualifying exam originally sa batch ko for Accountancy. 3 subjects ang coverage: Basic Accounting; Partnership and Corporation Accounting at; Financial Accounting 1. Pero noong bumalik ako, isang taon ang nakalipas, nagbago pala ang coverage. Pinalitan ang ParCor sa may Corporation na may halong Financial Accounting 3. Alam ko sa sarili kong, mahihirapan ako. Pero sinabi ko sa sarili ko kakayanin ko to, kaya nag self-study ako.

Natapos ang qualifying exam. Sa original batch ko, 3 sections ang kinuha. Sa batch na binalikan ko, 2 sections nalang. 86 students ang kinuha. Pang ilan ako? Pang 87. Oo, isa nalang BSA na sana ako. Tumigil na ko sa pagaaral. Feeling ko wala akong kwenta sa lipunan. Ang dami ring nagsabi saking mali ang decision kong bumalik. Nag sayang ako ng oras, nag sayang ako ng pera. Pero hindi ako naniwala, dahil alam ko may rason kung bakit nangyari yun.

Nakalipas uli ang isang taon, pumasok ako sa iba’t ibang trabaho. Pero pinaka best option ko para ma assure ko ang 2 years tuition ko is makapag work or sideline sa ibang bansa. Sa tulong ng kaibigan, nakapasok at nakapagwork sa ibang bansa. Yes, in the span of 2 months, nag earn ako ng 6 digits. Well, nagwork lang naman ako doon ng 16 to 20 hours a day without any rest day sa buong 2 months. Nagplan ako mag extend pa ng 1 month, pero ayun di ako pinayagan ng immigration at na detain pa ko sa airport ng 3 days. 3 days na wala kang kahit anong connection sa labas ng room. Ni hindi ko alam kung papalabasin, papauwiin o ikukulong ako. Thank God naman, pinabalik nila ako ng Pinas at nakapag enroll ako uli.

Sa 1st sem ko ng 3rd year, ibang iba na ang binalikan ko. Yun pala, ibang curriculum na ang kabatch ko. Marami ding subject equivalency, naging kaklase ko pa mga 4th year BSA. Pumasok ako as media transcriptionist, pageants and brand modeling.

Sa 2nd sem ko ng 3rd year, nag focus ako sa student leadership and academics. Pumasok ako bilang bookkeeper sa isang realty at Student Assistant sa school. Natapos ang sem, naging full academic scholar ako of 1.19 GWA.

Bago mag 4th year, namroblema nanaman ako sa tuition ko, pero ginawa ko ng paraan. Pumasok ako sa call center uli, at tinuloy ko ang bookkeeping at nakapag enroll ako.

Sa 1st sem ko ng 4th year, nahati ang katawan ko sa work, academics at student leadership. Sa hati ng oras, alam kong kukulangin ako ng pambayad ko sa susunod na sem. Muntik na kong hindi makapagenroll, laking pasasalamat ko sa tulong ng suporta ng mga kaibigan ko, nakatuloy ako sa huli kong sem.

Sa huling sem ng 4th year ko, hindi ako tumuloy sa pagttrabaho dahil hindi kakayanin ng oras ko sa OJT. Sa tulong at pagpapala ng Diyos, nakakuha ako ng external scholarship na makakapag bigay ng allowance at babayaran ang tuition ko. Hindi lang yon, nabigyan ako ng pagkakataon irepresent ang FEU at ang bansa sa Korea and Vietnam

Ngayong tapos na ang sem ko, nagbalik tanaw ako sa mga nangyari sakin. Oo, inabot ako ng 6 years para matapos ang course ko. Paano kung hindi nangyari ang challenges sakin noon? Sa tingin ko, hindi ako magiging kung ano ako ngayon. Oo, hindi ako BSA graduate at wala akong chance maging CPA. Pero ng dahil sa nangyari, nakilala ko ang course ko na ako na mismo ang pumili dito.

Nagpapasalamat ako sa lahat ng naniwala, sumoporta at sa lahat ng kaibigan ko. 6 years ko tong hinintay, at masasabi ko na sawakas, ggraduate na ko!

Minsan hindi mo man nareach ang goals mo sa buhay, pero ako naniniwala ako na God has better plans for you. Marami mang pagsubok na pagdadaan pero sa huli, yung bunga ng paghihirapan at kasipagan, aanihin mo rin.

Sa mga kapwa students ko, never give up. Wag na wag kayong susuko. Ituloy mo lang yan at alam kong kakayanin mo yan!

Sana may napulot kayong lessons na makakatulong sainyo sa storya ng college life ko.

John Kebyn M. Villarino
Bachelors of Science in Business Administration major in Internal Auditing
Magna Cum Laude

Recently, the post of Emjhei Guerrero, a graduate of Sienna College of Taytay, went viral in social media after she also posted a heartwarming story of her struggle as teen mom who did not give up her dreams to finish college.

Congratulations Kebyn!

Advertisements