Panlalait ni Joey, naiiba ba kay Vice?


joey de leon vice ganda aldub
joey de leon vice ganda aldub

by Jojo Magsakay

Kalat na sa social media ang video ni Vice Ganda na nilalait ang dating palabas sa Kapuso Network na “Diz Iz It.” Sa naturang video, kitang-kita at dinig na dinig ang mga nasabi ni Vice na ginagaya ng “Diz Iz It” ang format ng kanyang palabas na “Showtime.”

READ: 5 love lessons we can learn from AlDub

Hindi rin naman papahuli ang mga tweet ni Joey De Leon na kumalat na din sa iba’t ibang plataporma ng social media. “Like LOVE, ang CAREER ay hindi minamadali. Ang minamadali lang ay karera ng KABAYO,” basa ng isang tweet niya.

Maraming netizens ang nag-conclude na ang kabayo ay ang Showtime host na si Vice Ganda. Pero mukhang hindi bumenta ang mga patutsada ni Joey De Leon sa ibang AlDub fans.

WATCH: Vice Ganda blasts GMA’s Diz Iz It on It’s Showtime

Sabi nga ng isang user na gumagamit ng @pettyfer na handle kay Joey: “@angpoetniyo I think people are not stupid to not know whom this tweet is pertaining to. #justsaying #withrespect.” Meron ding @XiLuhan_CJ na nakapagsabi na “tang aka o nagtatanga-tanghan ka lang? As you can see, talaga naming may pinapatamaan.”

Pati nga ilang AlDub fans hindi rin natuwa sa ginawa ni Joey dahil taliwas daw ito sa tinuturo nga ng kanilang segment na kabutihang asal.

Kung iisipin, may pagkakaiba ng aba talaga ang ginagawa ni Joey De Leon sa mga ginagawa ni Vice Ganda?

Yung mga basher ni Vice, todo kabig ng mga bibig pag siya ang nagpaparinig at nagpapatutsada. Pero bakit parang wala kaming naririnig mula sa kanila patungkol sa mga pasaring  at pang-iinsulto ni Joey De Leon?

Hindi lang din naman ito ang pagkakataong may inaway o may pinasaringan itong si Joey sa “pagdedepensa” sa AlDub segment nila. Ni hindi pinalampas ng host ang batikang stage actress na si lea Salonga ng patulan nito ang tweet na may hanggang sa “kababawan” na lang ba ang mga Pilipino.

Hindi kaya itong si Joey ang naturingang modelo ng mga AlDog sa kanilang pang-aaway sa mga hindi fan ng kanilang sinusuportahang “love team?”

Nakakadismaya lang isipin na ang mismong host ng isang show na sinasabing nagtuturo sila ng mabuting asal at nagpapakalat ng good vibes ay hindi sumusunod sa sarili niyang mga turo. Ano na lang ang iisipin ng mga nakararami? Hindi ba’t mas maganda kung may paninindigan ka sa iyong mga salita?

Advertisements